Nagtanong si Maine Mendoza sa kanyang mga Twitter followers kung saan makakahanap ng ‘shabu’ sa Maynila.

Sa kanyang tweet, hindi iligal na ‘shabu’ – o droga – ang hinahanap ng aktres kundi ang pagkaing shabu-shabu.

Kaya naman nagtanong si Maine kung ano ang mairerekomenda ng mga netizen pagdating sa best shabu-shabu resto sa Maynila.

“Best shabu-shabu resto in Manila? With the best spicy broth din sana please! I am craaaaaving!!!” saad niya sa tweet.

Maganda naman ang naging response ng kanyang mga followers at binigyan siya ng maayos na rekomendasyon. (mjd)

The post Maine Mendoza nag-crave sa ‘shabu’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maine-mendoza-nag-crave-sa-shabu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maine-mendoza-nag-crave-sa-shabu)