Lumiyab ang Twitter Philippines sa pag-apir ni Maja Salvador sa “Eat Bulaga!”

Libo-libong tweet na may hashtag na #MajaForEatBulaga ang pinakawalan ng mga fan ni Maja sa sobrang pagka-excite sa pagkakasama ng queen of the dance floor sa “Bulaga”.

Sinabi ni Maja na bata pa lamang siya ay nanonood na ng “Eat Bulaga” at hindi akalain na kukunin siya ng noontime show.

Pasabog ang unang paglabas niya sa “Bulaga” sa pagpapamalas ng talento niya sa pagsasayaw.

Natuwa ang mga fan niya dahil sa warm welcome ng mga dabarkads kabilang sina Ryan Agoncillo, Jose Manalo at Allan K sa kanilang idol na may pa-flowers pa.

The post Maja Salvador dabarkads na, netizens nagkagulo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maja-salvador-dabarkads-na-netizens-nagkagulo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maja-salvador-dabarkads-na-netizens-nagkagulo)