Kinilalala ang lungsod ng Marikina at Parañaque sa ginanap na 5th ASEAN Environmentally Sustainable Cities (ESC) at Certificates of Recognition (COR) awarding cermony nitong Huwebes.

Batay sa ulat ng GMA News, nagwagi ng ASEAN Environmentally Sustainable Cities Award ang Marikina matapos manguna sa “clean air, land and water assessments” ng Department of Environment and Natural Resources.

Samantala, nabigyan naman ang Parañaque ng certificate of recognition sa ilalim ng “Clean Land for Big Cities” category.

Batay sa report, isa rin ang nasabing lungsod sa nagksa ng waste disposal para sa solid waste management program.

Bilang kinatawan ng 2 lungsod, si Third Secretary Noel Rodriguez ng Permanent Mission of the Philippines to ASEAN ang tumanggap ng awards. (VA)

The post Marikina, Parañaque swak sa ASEAN environmental awards first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/marikina-paranaque-swak-sa-asean-environmental-awards/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=marikina-paranaque-swak-sa-asean-environmental-awards)