Lumakas pa ang Tropical Storm Maring habang pumasok na sa bansa ang bagyo na nasa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Pinangalanan itong “Nando”.

Taglay ng bagyong Maring ang lakas ng hangin na 85 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 105 kph.

Huli itong namataan sa silangan ng Catarman, Northern Samar.

May posibilidad itong maging severe tropical storm sa pagitan ng Linggo ng gabi at Lunes ng umaga.

Ayon sa PAGASA, maaaring magsanib ang bagyong “Maring” at “Nando”.

Naispatan si “Lando” sa silangan ng Northern Luzon, na may lakas ng hangin na 55 kph at pagbugsong hanggang 70 kph.

The post ‘Maring’ lumakas pa; ‘Nando’ pumasok na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maring-lumakas-pa-nando-pumasok-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maring-lumakas-pa-nando-pumasok-na)