Kasalukuyang palabas na ng bansa si bagyong ‘Maring’ ayon sa PAGASA ngayong Miyerkoles.

Samantala, inaasahan namang mararamdaman ang habagat sa Luzon at kanlurang bahagi ng Visayas.

Ananag ahensya, makararanas ng pag-ulan ang Palawan at Occidental Mindoro na maaari anilang magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa oras na lumakas ang ulan.

Inaasahan namang magiging makulimlim at maulan ang buong bansa dahil sa localized thunderstorms dala ng southwest moonson.

Nagbabala rin ang ahensya sa posibleng flash flood st landslide. (VA)

The post ‘Maring’ palabas na ng PAR; Habagat sunod na mananalasa – PAGASA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maring-palabas-na-ng-par-habagat-sunod-na-mananalasa-pagasa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=maring-palabas-na-ng-par-habagat-sunod-na-mananalasa-pagasa)