Inamin ni senatorial aspirant Raffy Tulfo ngayong Lunes na inalok siya ni Senador Manny Pacquiao na tumakbong bise presidente bilang kanyang ka-tandem ngunit tinanggihan niya ito dahil ayaw niyang makabangga si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam sa ANC, sinabi ni Tulfo na bukod kay Duterte – na tinawag niyang kaibigan – ay ayaw niya ring makalaban si vice presidential aspirant at Senate President Tito Sotto.

“I courteously turned it down. It is too fast [for me to go for that], at hindi ko pwedeng banggain ang Pangulong [Rodrigo] Duterte na kaibigan ko at pati si Senate President Tito Sotto,” pahayag ni Tulfo.

Ang pinatutungkulan ni Tulfo ay ang mga panahon na si Duterte pa ang vice presidential nominee ng PDP-Laban Cusi faction.

Matatandaang hindi itinuloy ng pangulo ang pagtakbong bise presidente at sa halip ay si Senador Bong Go ang humalili sa kanya.

At kahit umatras bilang bise presidente ng presidential aspirant na si Pacquiao, kinuha pa rin siya nitong maging guest candidate ng kanyang senatorial slate.

Sa pag-atras naman ni Tulfo bilang vice presidential candidate ay pinalitan siya ni Rep. Lito Atienza. (mjd)

The post May ayaw banggain! Tulfo umatras bilang VP ni Pacquiao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/may-ayaw-banggain-tulfo-umatras-bilang-vp-ni-pacquiao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=may-ayaw-banggain-tulfo-umatras-bilang-vp-ni-pacquiao)