Sa 2,367 nangangarap na maging certified public accountant, tanging 361 lang ang pumasa.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), katumbas ito ng 15.25% examinees na pumasa sa CPA licensure examination ngayong taon.

Ginanap ang naturang exam nito lmang Oktubre 10 hanggang 12 sa testing centers sa Baguio, Rosales, San Fernando, Tacloban, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Tuguegarao at Zamboanga.

Samantala, naunsyame naman ang CPA board exams sa NCR na dapat sanang gaganapin din ngayong buwan.

Ayon sa ulat, inilipat ito sa Disyembre 16 hanggang 18.

The post Mayorya ng CPA licensure examinees lagapak – PRC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mayorya-ng-cpa-licensure-examinees-lagapak-prc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mayorya-ng-cpa-licensure-examinees-lagapak-prc)