Hindi maaaring magbitbit ng kanilang alagang hayop ang mga pupunta sa Dolomite Beach sa Manila Bay, ayon kay Environment Secretary Benny Antiporda.
“Lahat ng dapat ipatupad d’yan ay gagawin natin gaya ng pagbabawal ng pagswi-swimming, as of now, and of course yung pagkakalat, at pagdadala ng atin mga alagang hayop. Bawal pa po yan,” wika niya sa isang forum.
Ani Antiporda, nagpakalat din sila ng mga marshal sa naturang beach upang tiyaking nasusunod ng mga bisita ang COVID safety protocols.
Kaugnay nito, sinabi ng opsiyal na ang madalas naman na nagkukumpulan at magkakadikit sa beach ay magkakapamilya. (VA)
The post Mga alagang hayop bawal magtampisaw sa Dolomite Beach – DENR first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-alagang-hayop-bawal-magtampisaw-sa-dolomite-beach-denr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-alagang-hayop-bawal-magtampisaw-sa-dolomite-beach-denr)
0 Mga Komento