Inatasan ng gobyerno ang mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng catch-up vaccination kontra tigdas at tetanus.

Dahil dito, exempted muna ang mga bagets sa quarantine restrictions.

“Because of this, children less than 2 years old, 6-7 years old, and 12-13 years old shall be exempt from community quarantine restrictions for this purpose,” wika ni presidential spokesman Harry Roque sa isang pahayag.

Kaugnay nito, hinimok IATF ang mga LGU na paspasan ang pagbabakuna kontra tetanus.

Batay sa ulat ng GMA News, maaari din magtrabaho ang mga health care workers na nakatoka sa COVID-19 vaccination sa imunization program ng tetanus.

Batay sa datos ng Health department noong Enero, nasa 89% na ang vaccination rate ng bansa kontra tigdas at pollo. (VA)

The post Mga bagets bakunahan kontra tigdas, tetanus – Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-bagets-bakunahan-kontra-tigdas-tetanus-palasyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-bagets-bakunahan-kontra-tigdas-tetanus-palasyo)