Inanunsyo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong nitong Lunes na bubuksan na nila ang tourism industry ng lungsod para sa mga bakunadong indibidwal.
“Hopefully our reopening will spur economic activity in our city which had almost been nil for the past two months because of the restrictions that we imposed to manage the cases,” pahayag ni Magalong.
Gayunpaman, ang mga nais bumisita ay dapat munang magpre-register sa visita.baguio.gov.ph.
Para sa mga turistang edad 12-17, dapat ay magdala sila ng negatibong resulta ng antigen o swab test.
Ang mga bata edad 11 pababa naman ay dapat magbigay din ng negatibong COVID test result nang may permiso ng magulang.
“It has not been easy but as we have been doing since the pandemic started, we will continue to strike a balance between managing our cases and giving premium to the health and safety of our constituents on the one hand and keeping our economy afloat and sustaining the people’s livelihood on the other,” dugtong pa ni Magalong. (mjd)
The post Mga bakunado pwede na sa Baguio first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-bakunado-pwede-na-sa-baguio/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-bakunado-pwede-na-sa-baguio)
0 Mga Komento