Dapat magpabakuna muna bago lumabas para hindi na muling bumalik ang karanasang pagsirit ng COVID cases lalo na sa Metro Manila.

Ito ang inihayag ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research sa harap ng pagbaba sa alert level 3 sa National Capital Region.

Sinabi ni Rye na malaking bagay na nagluwag ng alert level sa Metro Manila pero hindi ibig sabihin ay lalabas na ang lahat dahil nananatili ang banta ng COVID-19.

Pababa na aniya ang trend ng mga kaso ng COVID-19 pero mahalagang sumunod pa rin sa patakaran.

“Malaking bagay sa pagluwag na ito yung paglabas ng bakunado lang. Kasi kung hindi kayo bakunado maraming restrictions eh.Pababa na yung trend natin eh, the only way is to take the risk and open up,” ani Rye.

Pinayuhan ni Rye ang mga taga-Metro Manila na kung gustong makatulong sa ekonomiya ay dapat magpabakuna muna para makasigurong may proteksiyon sa paghanapbuhay.

“Kung gusto ninyong lumabas at mag-contribute sa ekonomiya at makapagtrabaho na naman, eh kailangang ho bakunado kayo. Yun ang dapat tandaan ng mga kababayan natin. Hindi ito panahon para magpabaya,gusto nating magtulungan para merry christmas tayo sa December,” dagdag ni Rye. (Aileen Taliping)

The post Mga gustong lumabas dapat yung bakunado lang! – OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-gustong-lumabas-dapat-yung-bakunado-lang-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-gustong-lumabas-dapat-yung-bakunado-lang-octa)