Pakakasuhan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ang mga kandidato kung magsasagawa ng mass gathering sa pangangampanya.

Ang babala ng kalihim ay makaraang makatanggap ng mga impormasyon na nagsasagawa na ng mga mass gathering ang ilang politikong kakandidato sa halalan sa susunod na taon, bagama’t ipinagbabawal pa ito ng gobyerno dahil nasa gitna pa ng pandemya ang bansa.

Magugunitang kamakailan ay una na ring nagbabala si DILG Undersecretary Epimaco Densing III laban sa mga politiko na magsasagawa ng mga pagtitipon o pagpupulong para sa nalalapit na eleksiyon.

Ayon kay Densing, ang mga gagawing assemblies o meetings ng mga kandidato sa kanilang mga tagasuporta ay magsisilbing superspreader event.

The post Mga kandidato binalaan sa mass gathering first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-kandidato-binalaan-sa-mass-gathering/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-kandidato-binalaan-sa-mass-gathering)