Inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na target nilang bakunahan kontra COVID-19 ang mga may edad 12 hanggang 17 sa kanilang lungsod.

Ani Magalong, posibleng umarangkada ang pagbabakuna kontra COVID sa minors sa Baguio kapag naabot na nila ang 60 o 65 porsiyento ng mga nabukahan sa kanila.

“Medyo mataas na rin ang ating first dose, siguro ‘pag naitaas namin ng mga 60 or 65 percent [ang second dose].. in two to three weeks’ time we could start vaccinating minors by the latter part of October,” anang alkalde sa Langing Handa public briefing.

“We are talking about the [12-17 age group]. We have enough vaccines to do that,” dagdag pa niya.

Ani contact tracing czar, Pfizer at Moderna ang COVID vaccine na ituturok sa minors samantalang Astrazeneca naman sa matatanda. (VA)

The post Mga menor de edad target bakunahan vs COVID ngayong Oktubre – Magalong first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-menor-de-edad-target-bakunahan-vs-covid-ngayong-oktubre-magalong/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-menor-de-edad-target-bakunahan-vs-covid-ngayong-oktubre-magalong)