Tuluyan nang sumirit sa mahigit 40,000 ang kabuuang bilang ng mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Lumobo pa kasi sa 40,245 kaso ng COVID ang naitala sa mga kawani ng Philippine National Police (PNP) kung saan 68 dito ay fresh cases nitong Martes.

Samantala, naitala rin ang 126 bagong gumaling sa naturang virus. Sa kabuuan, 28,206 pulis na ang nakarekober mula rito.

Nanigas naman sa 119 ang death toll rate ng ahensya.

Sa ngayon, 1,920 parak na ang nagpapagaling mula sa virus. (VA)

The post Mga pulis na tinamaan ng COVID sumirit na sa 40K first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pulis-na-tinamaan-ng-covid-sumirit-na-sa-40k/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-pulis-na-tinamaan-ng-covid-sumirit-na-sa-40k)