Hindi pagiging Miss Universe ang naging pangarap ni Beatrice Gomez noong bata pa siya.

Pagbubunyag niya, gustro niya talagang maging misiyonaryo noon.

“My childhood dream was to be a missionary,” ani Miss Universe Philippines 2021 sa panayam ng 24 Oras.

“Yung feeling na, it’s fulfilling to serve others, parang aligned siya with what I do as a community development worker,” pagpapatuloy niya.

Samantala, sinabi rin ng beauty queen na isang kakaibang ganap ang pagtanggal ng pageant sa mga taong tulad niya.

“It’s a breakthrough for the pageant world [that] they’re accepting people like me,” wika niya.

“They’re being more diverse and inclusive every year,” dagdag pa niya.

Si Gomez ay may long time girlfriend na si Kate Jagdon.

Dahil dito, ang Cebuana beauty queen ang kauna-unahang openly-bisexual na nag-uwi ng korona bilang Miss U Philippines. (VA)

The post Miss Universe Beatrice Gomez trip maging missionary first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/miss-universe-beatrice-gomez-trip-maging-missionary/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=miss-universe-beatrice-gomez-trip-maging-missionary)