Pagkatapos ni Miss Universe Philippines candidate Maureen Wroblewitz, sumunod din si Miss World Philippines 2021 Tracy Perez sa yapak ni Miriam Quiambao.

Pagkatapos kasi ng crowning moment niya nitong Linggo ay bigla siyang nadulas.

Tinulungan naman siya ng mga kapwa niya kandidata para agad na makatayo.


Hinala ng mga netizen, sa hilo at pagod kaya bigla na lang bumalentong ang beauty queen.

Bukod sa pagsungkit sa Miss World Philippines 2021 crown, pinakayaw din ni Perez ang Ms. Bench Body or Best in Swimsuit award, Miss Bluewater Day Spa, Miss Artopian International, Miss Bench, at Miss Derma Fix award.

Nakatakdang rumampa si Perez bilang manok ng Pinas sa 70th Miss World pageant na gaganapin sa December sa Puerto Rico.

The post Miss World Philippines 2021 Tracy Perez idol rin si Miriam Quiambao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/miss-world-philippines-2021-tracy-perez-idol-rin-si-miriam-quiambao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=miss-world-philippines-2021-tracy-perez-idol-rin-si-miriam-quiambao)