Naitala ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles ang 3,656 bagong COVID-19 cases na siyang pinakamababang record na naitala simula Hulyo 13.

Batay sa report na inilabas ng ahensya, 2,735,369. na ang kabuuang bilang ng nasapol ng virus sa bansa kung saan 67,061 dito ay aktibo.

Sa 67,061, 7.9% dito ay mild, 6.8% ay asymptomatic, 8.69% ay moderate, 4.6% ay severe, at 2.0% naman ang nasa malubhang kondisyon.

Umakyat naman sa 2,627,331 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit matapos maitala ng 2,627,331.

Samantala. lima naman ang bagong nasawi dahil sa COVID dahilan para tumaas sa 40,977 ang death toll rate ng Pinas sa COVID. (VA)

The post Naitalang COVID cases sa 1 araw bumaba sa 3K – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/naitalang-covid-cases-sa-1-araw-bumaba-sa-3k-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=naitalang-covid-cases-sa-1-araw-bumaba-sa-3k-doh)