Babawasan ng lokal na pamahalaan ng Marikina City ang mga taong maaaring magsabay-sabay sa pagtambay sa Riverbanks Center matapos dumagsa ang marami at makalimutan ang social distancing.
Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, bagamat open area ang Riverbanks ay kailangan pa ring limitahan ang pagdagsa ng mga tao.
“Nabahala nga kami dahil hindi lang yun, dahil sobra ang excitement nila nakalimutan na yung minimum public health standards natin,” pahayag ni Teodoro.
“Ngayon nilalagyan natin sila ng limit maski na open area. May limit ang pwedeng maka-access doon sa area na yun,” dugtong pa ng alkalde.
Wika pa ni Teodoro, marami sa mga dumagsa sa Riverbanks ay mga dayo lamang sa lungsod. (mjd)
The post Namamasyal sa Marikina Riverbanks lilimitahan first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/namamasyal-sa-marikina-riverbanks-lilimitahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=namamasyal-sa-marikina-riverbanks-lilimitahan)
0 Mga Komento