Umakyat na sa 13 ang naiulat na namatay habang siyam pa ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Maring, batay sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkoles.

Ayon sa NDRRMC, ang hagupit ni Maring ay nagdulot ng 14 landslide at 53 insidente ng pagbaha sa iba’t-ibang lugar.

Kaya umabot na sa 21,511 o 6,111 pamilya ang naapektuhan ng bagyo.

Sa ngayon ay 42 kalsada at apat na tulay pa rin ang hindi madaanan.

Sa hilagang Luzon pa lang umano ay P493,766,744 na ang kabuuang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura.

Halos 6,000 pamilya o 1,500 pamilya ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation center. (mjd)

The post Nasawi kay Maring sumampa sa 13 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nasawi-kay-maring-sumampa-sa-13/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nasawi-kay-maring-sumampa-sa-13)