Inuga ng magnitude 5.3 na lindol ang Occidental Mindoro ngayong Linggo ng umaga.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang pagyanig alas-5:59 ng umaga kanina kung saan namataan ang epicenter nito sa bayan ng Sablayan.

Naramdaman ang mga sumusunod sa ilang lugar:

Intensity 2: Magsaysay, Occidental Mindoro; Pinamalayan, Oriental Mindoro
Intensity 3: Santa Cruz, Occidental Mindoro
Intensity 5: Sablayan, Occidental Mindoro

Binalaan naman ng ahensya ang mga nasabing lugar sa maaaring aftershock. (VA)

The post Occ. Mindoro niyanig ng magnitude 5.3 na lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/occ-mindoro-niyanig-ng-magnitude-5-3-na-lindol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=occ-mindoro-niyanig-ng-magnitude-5-3-na-lindol)