Nasorpresa at naiyak ang isang OFW nang malaman niyang hindi ginastos ng asawa niya ang mga padala niyang pera galing sa ibang bansa.

Kuwento ng OFW na si Rodelyn Fortes, lingid sa kaalaman niya, wala ring tigil sa pagkayod ang kanyang mister na si Rogelio para hindi magastos ang mga padala niyang pera at makapagdagdag pa sa kanilang ipon.

“Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, talagang nagpursige akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko, imbes na bawasan ko, dinadagdagan ko pa kasi nga nag-store ako,” pahayag ni Rogelio sa “Balitang Amianan”.

Pag-uwi sa Pilipinas ni Rodelyn mula sa Kuwait, mahigit P300,000 ang naipong pera ni Rogelio mula sa mga padala niya.

Dahil dito, naipaayos nila ang kanilang bahay, at nakabili rin ng sidecar at motorsiklo.

“Hindi ko lubos maisip na ganun ‘yung maiipon niya kasi magkano lang naman ‘yung sahod ko doon sa Kuwait saka sa Malaysia,” saad ng maluha-luhang si Rodelyn.

The post OFW nagulat, mga padalang pera inipon ni mister first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ofw-nagulat-mga-padalang-pera-inipon-ni-mister/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ofw-nagulat-mga-padalang-pera-inipon-ni-mister)