Iginiit ni Senador Manny Pacquiao na hindi pamimili ng boto ang pamamahagi niya ng pera nang bumisita siya sa Batangas.
Kinumpirma niyang namigay siya ng grocery, bigas at pera na tig-P1,000.
Aniya, taong 2002 pa niya ginagawa ang pamimigay ng pera at bigas.
“Mula noon hanggang ngayon, may eleksyon man o walang eleksyon, habit ko na mamigay kapag nakita ko may nangangailangan, nagugutom,” sambit niya.
Saad pa niya, hindi naman daw pondo ng gobyerno ang ipinamahagi niya.
Samantala, iniimbestigahan na ng Department of the Interior and Local Government ang paglabag sa physical distancing sa pagbisita ni Pacquiao sa Lipa City nitong Huwebes matapos dumugin ng mga tao.
Ani Pacquiao sa “24 Oras” report, nakipag-ugnayan siya sa local government unit at hindi nagkulang sa paalala sa mga tao.
The post Pacquiao nagpaulan ng pera sa Batangas, hindi raw vote buying first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-nagpaulan-ng-pera-sa-batangas-hindi-raw-vote-buying/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pacquiao-nagpaulan-ng-pera-sa-batangas-hindi-raw-vote-buying)
0 Mga Komento