Dapat umanong ibalik ng pamilya Marcos ang kanilang ninakaw sa kaban ng bayan at humingi ng paumanhin sa mga inabuso nito noong panahon ng umanong diktador Ferdinand Marcos, ayon kay Senador Manny Pacquiao.
“Yung issue ng yaman na hawak ng Marcoses ay kung anuman yung nanakaw nila sa ating gobyerno, kailangan siguro ibalik yung sinisigaw ng taumbayan,” pahahyag ni Pacquiao sa panayam sa ANC.
Kung mahalal bilang pangulo, sinabi ni pacquiao na bukas siya para suriin ang mga kasong may kinalaman sa mga nakaw na yaman ng mga Marcos.
Suportado din ng senador ang panawagan para kay dating senador Ferdinand Marcos Jr., anak ng dating diktador, na humingi ng paumanhin sa mga pag-abuso ginawa ng kanyang ama.
“Sang-ayon ako dyan dahil kailangan kung nagkamali ka, marunong kang humingi ng patawad,” sabi ni Pacquiao.
“Hindi yan tama na sabihin na wala pa siyang alam sa mga nangyayari noong panahon ng tatay niya… Hindi niya pwedeng sabihin na wala siyang alam,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)
The post Pacquiao sa mga Marcos: Ibalik ang mga ninakaw, mag-sorry sa mga inabuso first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pacquiao-sa-mga-marcos-ibalik-ang-mga-ninakaw-mag-sorry-sa-mga-inabuso/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pacquiao-sa-mga-marcos-ibalik-ang-mga-ninakaw-mag-sorry-sa-mga-inabuso)
0 Mga Komento