Nalalapit na ang pagtatanggal ng mga awtoridad sa Boracay ng swab test bilang requirement sa mga dumarating na bakunadong turista.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), kapag 100% na ng tourism workers sa Boracay ang bakunado na kontra COVID, hindi na kailangan ang swab test para sa mga bakunadong turista.

Batay sa tala ng DOT ngayong Linggo, 91.09% na ng mga tourism worker, at 62.78% ng mga residente sa naturang isla ang naturukan na.

“We believe that with the 100 percent inoculation of the island’s workers, the confidence of more Filipinos to travel will be restored, and that the island will be back on its feet sooner than anticipated,” pahayag ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Nitong Setyembre ay nasa mahigit 6,700 ang mga turista na bumisita sa Boracay.

“More than the foregone revenue, the DOT is deeply concerned with the impact of the pandemic on the employment of the island’s workers who either have been laid off or are now working on irregular work schedules,” dugtong pa ni Puyat. (mjd)

The post ‘Pag 100% sa isla bakunado: Swab test sa Bora aalisin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-100-sa-isla-bakunado-swab-test-sa-bora-aalisin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-100-sa-isla-bakunado-swab-test-sa-bora-aalisin)