Hindi umano malayong ibaba sa Alert Level 2 ang NCR sa mga susunod na linggo kung patuloy ang pagbaba sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon, ayon sa Department of Health (DOH).
“If this number continues to decline, it is very possible that we can be deescalated in the coming weeks, so hopefully all of us will not be complacent, all of us will work together so that we can reach that goal of having Alert Level 2 in the NCR,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa panayam ng The Source.
Ang pinatutungkulan ng pahayag ni Vergeire ay ang naitalang 642 na bagong kaso ng COVID sa Metro Manila nitong Miyerkoles. Sa ngayon ay 13,439 ang mga aktibong kaso sa Metro Manila.
Para kay Vergeire, kung ang average na bagong kaso sa NCR ay nasa 500 lamang, komportableng numero ito upang ikonsidera ang Alert Level 2 sa lugar.
Sa Alert Level 2 ay hanggang 50% na ng kapasidad ang maaaring pumasok sa mga establisyimento.
Sa ngayon ay Alert Level 3 ang nakataas sa NCR na matatapos sa dulo ng Oktubre.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-covid-hawaan-bumagal-alert-level-2-sa-ncr-posible/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-covid-hawaan-bumagal-alert-level-2-sa-ncr-posible)
0 Mga Komento