Inaprubahan na ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagbiyahe ng mga menor de edad.

Ngunit pagbibigay-diin ng ahensya, makakagala lang ang mga bagets kapag may ‘adult guardian’ itong kasama.

“The intrazonal and interzonal travel of persons below 18 years of age shall be allowed provided that these persons shall be accompanied by a parent or an adult guardian at all times,” anunsyo ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa isang briefing.

“Kung ito’y (minors) walang kasamang magulang o guardian, sisitahin ang mga bata, and of course ‘yung kaukulang proseso ay gagawin ito. Ito’y ginagawa para proteksyunan ang ating mga bata,” dagdag pa niya.

Anila, papayagan na ang pagsakay ng mga bagets sa private vehicles at public utility vehicles (PUV), habang pag-uusapan pa ng mga lokal na pamahalaan ang guidelines para sa intrazonal at interzonal travels.

Ang intrazonal travel ay tumutukoy sa pagbiyahe sa loob lamang ng isang area o komunidad, samantalang ang interzonal travel naman ay tumutukoy sa pagbiyahe palabas ng probinsya o ng siyudad.

The post Pag gala ng minors pwede basta may tanders na kasama – MMDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-gala-ng-minors-pwede-basta-may-tanders-na-kasama-mmda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-gala-ng-minors-pwede-basta-may-tanders-na-kasama-mmda)