Inilabas na ng lokal na pamahalaan ng Davao City ang bagong direktiba kaugnay sa paggamit ng face shield sa kanilang lungsod.

Ayon sa ulat, nilagdaan na ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte noong Setyembre 30 ang Executive Order (EO) 51 na nagtatakda ng paggamit ng face shield sa ‘3cs’ kung tawagin – ang closed, crowded, at close-contact settings.

Sa naturang EO, tinukoy ang “crowded places” bilang mga lugar na pinagdadausan ng pagtitipon ng mga tao tulad ng swab at vaccination site, evacuation centers, at Comelec.

Kaugnay ang ibinabang direktiba sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan sa paglilimita ng paggamit ng face shield sa 3Cs na siya ring rekomendasyon ng IATF Technical Advisory Group. (VA)

The post Paggamit ng face shield sa Davao sa ‘3Cs’ na lang first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paggamit-ng-face-shield-sa-davao-sa-3cs-na-lang/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paggamit-ng-face-shield-sa-davao-sa-3cs-na-lang)