Inanunsyo ng OCTA Research Group nitong Martes ang pagbaba ng COVID-19 reproduction number sa Metro Manila sa 0.55.

Anang grupo, ito na ang pinakamababang reproduction number na naitala simula Mayo.

“Hopefully, the reproduction number stays below 0.6 until the year’s end,” ani OCTA fellow Dr. Guido David,

Ang reproduction number ay tumutukoy sa dami ng tao na maaaring mahawa mula sa isang positibong kaso.

Ayon sa pag-aaral, ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay nangangahulugang bumabagal na ang pagkalat ng virus.

Kasalukuyang may naitala ng 2,727,286 COVID cases sa bansa kung saan 68,832 dito ay aktibo. (VA)

The post Pagkalat ng COVID sa NCR tumumal pa – OCTA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagkalat-ng-covid-sa-ncr-tumumal-pa-octa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagkalat-ng-covid-sa-ncr-tumumal-pa-octa)