Kumpiyansa sina Senate President Vicente Sotto III at Minority Leader Franklin Drilon na kakatigan ng Supreme Court ang kanilang kautusan na ikulong si Pharmally Pharmaceutical Corporation Director Linconn Ong.

Ito’y matapos hilingin ng SC sa Senado na sagutin ang petisyong inihain ni Ong kaugnay ng patuloy pagkakapiit sa Senado.

“There are a number of decisions and jurisprudence established from the SC favoring the Senate on that aspect,” sabi ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter.

Sabi naman ni Drilon, “I am confident that on the basis of decided cases since Arnault v Nazareno in 1950, the Senate is legally correct in detaining Ong until he answers our questions.”

Sabi ng dalawang lider ng Senado, sasagutin ng legal counsel ng Senado ang petition inihain ni Ong sa high tribunal.

Subalit giit ni Drilon, maaari ring hawakan ng Senate blue ribbon committee ang kaso para sa Senado.

“It is the Senate Legal counsel who should respond, but there is nothing in the Rules that will prevent the [Senate President] from authorizing the Blue Ribbon to handle the case for the Senate. It had happened in the past,” sabi ni Drilon.

Noong Oktubre 7, hiniling ni Ong, sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Ferdinand Topacio, sa SC na palayain siya mula sa kustodiya ng Senado.

Ang mga respondent sa petisyon ay sina Senate Blue Ribbon committee chairman Senator Richard Gordon, Senate President Vicente Sotto III; retired Major General Rene Samonte ng Senate sergeant-at-arms. (Dindo Matining)

The post Pagkulong kay Ong ng Senado kakatigan ng SC – Sotto, Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagkulong-kay-ong-ng-senado-kakatigan-ng-sc-sotto-drilon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagkulong-kay-ong-ng-senado-kakatigan-ng-sc-sotto-drilon)