Ikinatuwa ni House Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng pagpaparusa sa mga abusado, lasenggo, babaero ay psychologically-abusive na mister.
Naniniwala si Villanueva na makatutulong ang desisyon upang mapangalagaan ang kasal at pamilyang Pilipino at maging inspirasyon sa mga Filipina na proteksyunan at ipaglaban ang kanilang sarili.
“Filipino mothers and wives deserve a better quality of life, a better quality of marriage, and a better quality of men,” sabi Villanueva, kinatawan ng CIBAC party-list.
Pinaboran ng Supreme Court ang desisyon na nagpaparusa sa isang mister na naglalasing at nambababae umano na lubhang naka-apekto sa kanyang misis at mga anak.
Ang mister ay hinatulan na makulong ng walong taon, pinagmulta ng P100,000 at pinasasailalim sa psychological counseling alinsunod sa Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC) Act (RA 9262).
Sinabi ni Villanueva na batay sa mga pag-aaral napatunayan na ang ipinagbabawal na relasyon ay nakasisira sa buhay ng mga anak at nakakaapekto sa mental health ng misis.
“This is why Filipino culture, Philippine law, and Biblical wisdom are intolerant against unfaithfulness,” sabi pa ni Villanueva. “On World Mental Health Day, may our precious Filipino wives and mothers be all the more inspired to protect their and their children’s psychological wellbeing.”
Itinutulak din ng CIBAC ang panukalang Anti-Marital Infidelity Act (HB 577) na mag-aamyenda sa probisyon ng Revised Penal Code kaugnay ng marital infidelity na sinasabing hindi umano patas dahil mas madaling patunayan laban sa mga babae kesa sa mga lalaki. (Billy Begas)
The post Pagpaparusa sa mga abusadong mister ikinatuwa first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagpaparusa-sa-mga-abusadong-mister-ikinatuwa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagpaparusa-sa-mga-abusadong-mister-ikinatuwa)
0 Mga Komento