Ikinatuwa ng mga kaalyado ni Vice President Leni Robredo ang desisyon niyang tumakbo sa pagka-presidente sa 2022 national election.

“Salamat sa pasya mo, VP Leni. This is a day of great hope for a brighter future, away from this national nightmare of the past five years,” sabi ni Senadora Leila de Lima.

“Si Leni ang aking Presidente,” dagdag pa nito sa isang statement.

Nagbunyi din si dating Senador Antonio Trillanes at ang kanyang grupong Magdalo sa desisyon ni Robredo na sumabak sa presidential race.

“Nagbubunyi ang Magdalo sa desisyon ni VP Leni na pamunuan ang TUNAY NA OPOSISYON sa 2022 elections sa pagtakbo bilang Presidente,” sabi ni Trillanes.

“Makakasama nya ang Magdalo para maipanalo ang laban na ‘to, at tuluyang iahon ang ating bansa mula sa pagkasirang ginawa ni Duterte,” saad pa nito.

Sinabi naman ng grupong Akbayan na maituturing na ‘game changer’ang pahayag ni Robredo na tatakbo siya sa pinakamataas na posisyon ng bansa sa susunod na halalan.

“VP Leni’s announcement is a game-changer. Next year’s election is now a battle between democracy’s best defender, and the offspring of past and present dictators,” sabi ng Akbayan sa isang statement.

“The Filipino voters will also no longer be forced to settle for less. We now have a real democratic alternative who can stop the continuation of tyranny, win the fight against the pandemic and economic recession, and lead us back safely to the path of democracy,” saad pa ng grupo.

The post Pagtakbo ni VP Leni ‘game changer’ – Akbayan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagtakbo-ni-vp-leni-game-changer-akbayan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagtakbo-ni-vp-leni-game-changer-akbayan)