Maaari umanong lumarga sa Nobyembre 3 ang pagbabakuna sa mga edad 12-17 sa buong bansa, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

“We will open up ‘yung (vaccination ng) 12 to 17 years old sa November 3 dahil nakita natin na maganda naman ang naging result ng ating trials at pilot sa hospitals. Nakita natin very minimum ‘yung adverse effects,” pahayag ni Galvez sa panayam ng dzBB ngayong Miyerkoles.

Dagdag pa ng vaccine czar, ang mga anak ng mga empleyado ng mga pribadong kompanya ay maaari na ring simulang turukan sa nasabing petsa.

“Pwede na po ‘yun, just in case sa November 3 pwede na po mag-start. They have to coordinate with the different LGUs…coordinate with the National Vaccination Operation Center para ma-inspect at sa training,” wika ni Galvez.

Para naman sa pagbabakuna ng mga bata sa buong bansa, nasa 40 hanggang 50 pagamutan umano ang pipiliin nila para pagdausan nito.

“Magkakaroon na tayo ng more than 50, additional 50 hospitals all throughout the Philippines,” wika ni Galvez sa isang hiwalay na panayam.

Batay sa tala ng gobyerno, halos 13,000 bata na may comorbidities na ang naturukan kontra COVID, na pawang taga-NCR at mga kalapit na lalawigan pa lamang. (mjd)

The post Pagtuturok ng bagets sa buong Pinas posible sa Nobyembre 3 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagtuturok-ng-bagets-sa-buong-pinas-posible-sa-nobyembre-3/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagtuturok-ng-bagets-sa-buong-pinas-posible-sa-nobyembre-3)