Bumida ang pamangkin ni vice presidential apsirant Doc Willie Ong sa isang event sa Makati matapos nitong masungkit ang Guinness world record para sa may pinakamaraming beses ng double under skips sa jump rope sa loob ng 12 oras.

Nito lamang Sabado nang magpakitang gilas si Ryan Alonzo o “Skipman” sa Jump to Greater Heights sa Ayala Malls Circuit Makati.

Ayon sa ulat, naunugsan ni Alonzo ang 20,000 mark ng double under skips kung saan 40,980 ang nagawa niya sa loob ng 12 oras.

Batay sa report, pamangkin ni Doc Willie Ong ang “Skipman” kung tawagin ng jump rope community.

“I’m out of words, it is super overwhelming. Halfway through my legs were cramping,” ani Alonzo.

“I didn’t expect talaga na maaabot ko pa and when you guys started cheering parang becoming happy lang, suddenly mataas na pala number ko in that hour,” dagdag pa niya. (VA)

The post Pamangkin ni Doc Willie Ong binasag Guinness record sa jump rope first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pamangkin-ni-doc-willie-ong-binasag-guinness-record-sa-jump-rope/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pamangkin-ni-doc-willie-ong-binasag-guinness-record-sa-jump-rope)