Bilang konsiderasyon sa patuloy na epekto ng COVID-19 sa bansa, inihayag ni Senador Sonny Angara na ang pagtugon sa pandemya ang bibigyan ng prayoridad sa bersyon ng Senado ng panukalang 2022 national budget.

Bilang chairman ng Senate Finance Committee, napansin ni Angara na may ilang mahahalagang item na may kinalaman sa pandemic response ng bansa ang kasama sa panukalang badyet na sinumite ng Malacañang sa Kongreso.

“Funds are very tight this year because as noted by our colleagues during the DBCC, parang hindi COVID budget yung sinabmit po ng DBM,” sabi ni Angara.

“..because there were no funds for contact tracing, no funds for testing outside of the booster shot, no funds for the testing of the 12 to 17 year olds, no funds for contact tracing, no funds for the SRA, the Special Risk Allowance of our health workers,” dagdag pa nito.

Sa pagdinig ng panukalang 2022 budget ng Department of Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Angara na isang hamon na makahanap na balanse sa pagitan ng iba’t ibang interest at requirement ng magkakaibanng ahensiya ng gobyerno at pondong kakailanganin para sa pandemya.

Tiniyak pa nitong kanilang pakikinggan ang iba’t ibang kahilingan para sa dagdag ng pondo ng iba’t ibang ahensiya para mapalakas ang health response ng pamahalaan.

“With the understanding of the department and all the other agencies, those will be our utmost priorities going into 2022. Yung health response po ng bansa, because that’s our very existence under threat,” ani Angara.

“You must admit that self-preservation is the ultimate goal of any individual or society. So, let’s preserve ourselves first and then we can go towards the other more lofty goals,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng panukalang P248.5 bilyong pondo ng DILG para sa 2022, walang nakasaad na probisyon doon para sa pagkuha ng mga contract tracer.

Paliwanag ni DILG Secretary Eduardo Año sa komite, walang item para sa contact tracing dahil isinumite nila ang kanilang request sa DBM noong panahon na hindi pa mataas ang Delta variant ng COVID-19 sa bansa. (Dindo Matining)

The post Pandemic response prayoridad sa 2022 budget – Angara first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pandemic-response-prayoridad-sa-2022-budget-angara/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pandemic-response-prayoridad-sa-2022-budget-angara)