Dahil sa buhos ang suporta, tiniyak ni Senador Francis Pangilinanan na hindi siya aatras sa pagsabak sa vice presidential race sa susunod na halalan.

“We discussed this with the Vice President (Leni Robredo). Wala nang atrasan ito,” pahayag ni Pangilinan sa ANC.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos mauna nitong sabihin na nakahanda siyang magparaya sa mas ‘winnable’ na vice presidential running mate para kay Robredo.

“Bumabaha ang suporta, lumalakas ang ating loob, nakikita nating talagang all out din ang ating mga kababayanm hanggang sa dulo, tuloy tuloy na ito and in the end we will trust in God and our people,” ani Pangilinan.

Ayon sa senador, ang pagbuhos ng suporta sa kanyang kandidatura ang naghimok sa kanya para ipagpapatuloy ang pagtakbo sa pagka-bise presidente.

“The explosion, yung bumabaha ang suporta, talagang yun ang naguudyok sa atin kaya tuloy tuloy na ito, wala nang atrasan,” sabi ni Pangilinan. (Dindo Matining)

The post Pangilinan walang atrasan sa VP race first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pangilinan-walang-atrasan-sa-vp-race/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pangilinan-walang-atrasan-sa-vp-race)