Ipinadala na ng Kamara de Representantes sa Senado ang kopya ng P5.024 trilyong budget para sa 2022.
Ayon kay Speaker Lord Allan Jay Velasco, ang printed copy ng General Appropriations Bill (GAB) ay ipinadala noong Lunes, dalawang araw bago ang self-imposed deadline ng Kamara.
“In line with our commitment to ensure the timely enactment of next year’s national budget, we have transmitted to the Senate the 2022 GAB duly approved by the House ahead of schedule,” sabi ni Velasco.
Sinabi ni Velasco na mayroong sapat na panahon ang Senado upang magpasa ng bersyon nito ng GAB.
Inaprubahan ng Kamara ang panukalang budget noong Setyembre pero hindi kaagad ipinadala sa Senado dahil mayroon pang ipinasok na pagbabago rito ang mga kongresista.
Matapos na aprubahan ng Senado ang kanilang bersyon ng GAB ay pag-uusapan ito sa Bicameral Conference Committee upang gawing magkatulad.
Kailangan itong iratipika ng dalawang kapulungan bago maipadala sa Malacañang at mapirmahan ng Pangulo. Ang huling araw ng sesyon ngayong taon ay sa Disyembre 17.
“We cannot afford a reenacted budget, which is expected to dampen the country’s recovery from the COVID-19 crisis,” punto ni Velasco. “A reenacted budget will definitely ruin our efforts to build back better and deliver much-needed services for our kababayans amid the pandemic.”
Naniniwala si Velasco na makatutulong ang budget sa muling pagbangon ng ekonomiya. (Billy Begas)
The post Panukalang 2022 budget ipinadala ng Kamara sa Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/panukalang-2022-budget-ipinadala-ng-kamara-sa-senado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=panukalang-2022-budget-ipinadala-ng-kamara-sa-senado)
0 Mga Komento