Lumapag na sa bansa nitong Linggo ang 3,000,000 doses ng Sinovac COVID-19 na siyang target gamitin bilang booster shot ayon sa Department of Health.

Dumating ang naturang batch ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kagabi.

Ayon sa ulat ng GMA News, 2 milyon dito ay pinakyaw ng pamahalaan sa China samantalang ang 1 milyon naman ay donasyon ng Chinese government.

“This demonstrates the kind of friendship by the Chinese government and Chinese people to the Philippine government and Philippine people,” wika ni Chinese Ambassador Huang Xillian.

Ani Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., paghahanda na nila ito para sa ilalarganf third vaccination sa bansa.

“Ang nakikita natin, preparation na rin natin ito sa gagawin nating vaccination for the third dose. Nag-announce na ang DOH for booster for our health workers, our senior citizens, and those with comorbidities, immunocompromised, they have the option,” aniya. (VA)

The post Para sa booster shot! 3M Sinovac vaccine dumating na sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/para-sa-booster-shot-3m-sinovac-vaccine-dumating-na-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=para-sa-booster-shot-3m-sinovac-vaccine-dumating-na-sa-pinas)