Halos magkapalitan na ng mukha ang mga tagasuporta ni Manila Mayor Isko Moreno sa isang event sa Tondo ngayong Linggo ng umaga.

Nagpalaraga kasi ng caravan ang supporters ni Yorme sa Metro Manila para sa Halalan 2022.

Makikita sa mga litrato ang sandamakmak na motorista kung saan mapapansing walang face mask na suot ang iba rito at tila nakalimutan pa ang kahalagahan ng social distancing.

https://www.facebook.com/153706035305746/posts/858700788139597/?d=n

Batay sa post, tinawag ang event bilang “Big Blue Wave Caravan.”

https://www.facebook.com/107645198356237/posts/119015993885824/?d=n

Kasabay nito, ngayong araw din ipinagdiriwang ni Yorme ang kanyang 47th birthday. (VA)

The post Parang walang COVID! Isko supporters kumpulan, keber sa social distancing first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/parang-walang-covid-isko-supporters-kumpulan-keber-sa-social-distancing/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=parang-walang-covid-isko-supporters-kumpulan-keber-sa-social-distancing)