May panibagong banat ang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa aktres nai Kylie Padilla.
Ito ay kaugnay ng naging panayam kay Kylie sa programang ‘Kapuso Mo, Jessica Soho’ nitong Linggo.
“Nagsalita lang siya puro patagilid. I want to grow up mga ganun ganun. Hindi po siya seryoso sa kanyang pakikipag-usap kay Jessica Soho,” ani Cristy sa kanyang programang ‘Cristy Fer-minute’ nitong Lunes.
“Sabi nga ni Jessica, ‘Sa lahat naman ng mga babaeng nasaktan, parang ikaw lang yata ‘yung hindi naman masyadong problemado at hindi malungkot.’ Sabi siya nang sabi na, ‘Yeah, I’m happy, I’m good. Yeah, my kids are happy, they’re okay,’ pero kitang-kita mo sa mata niya na nagsisinungaling siya,” aniya.
“Pwede pong magsinungaling ang ating bibig, ang ating kilos, pero kapag tiningnan po natin ang mata ng isang nasasalita, ‘yung po ang naglalantad ng tunay niyang damdamin. At kagabi, kitang-kita natin na napakalungkot ng mga mata ni Kylie. Di ba? Kitang kita mo,” dugtong pa ng kolumnista.
“Yung teaser very catchy. Puro pa-bitin. Yung actual na interview, doon natin nakita na sayang na dapat nasagot niya ng punto por punto yung mga hamon sa kanya ni Aljur Abrenica. Yung mga inaasahan ng ating mga kababayan, wala.”
“Naawa ako kay Jessica Soho kagabi. Ang galing-galing niyang host pero hindi niya pasuka si Kylie,” saad pa ni Cristy.
Ito ang pinakahuling banat ni Cristy kay Kylie na dulot pa rin ng pagkakahiwalay ng aktres sa asawang si Aljur Abrenica.
Matatandaang rumesbak si Kylie maging ang kanyang ina laban sa mga pahayag ni Cristy. (mjd)
The post Pasabog ni Kylie sa KMJS ‘di bumenta kay Cristy first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasabog-ni-kylie-sa-kmjs-di-bumenta-kay-cristy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pasabog-ni-kylie-sa-kmjs-di-bumenta-kay-cristy)
0 Mga Komento