Tinapos na ni Spanish basketball legend Pau Gasol ngayong Miyerkoles (oras sa Pilipinas) ang mahigit dalawang dekada niyang paglalaro ng sport na nagbigay sa kanya ng dalawang kampeonato sa NBA.

“I’m going to retire from professional basketball,” wika ng 41-anyos na sentro. “It’s a difficult decision after so many years, but it’s a decision that I really thought over.”

Huling nakitang maglaro si Gasol sa Tokyo Olympics, na siyang ika-lima niyang pagsabak sa naturang palaro para sa Spanish national team.

Na-draft ang 7-foot na sentro bilang third overall pick noong 2001 at lumaro para sa Memphis Grizzlies, Los Angeles Lakers, Chicago Bulls, San Antonio Spurs at Milwaukee Bucks.

Pinakatumatak si Gasol sa kanyang kampanya sa Lakers kung saan naging katuwang siya ni Kobe Bryant na naibulsa ang 2009 at 2010 NBA titles.

Nag-average si Gasol ng 17.0 points at 9.2 rebounds sa kanyang karera sa NBA. (MJD)

The post Pau Gasol nag-babu na sa basketbol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pau-gasol-nag-babu-na-sa-basketbol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pau-gasol-nag-babu-na-sa-basketbol)