Nawalan ng power supply ang Philippine General Hospital nitong Lunes ng gabi.

Dahil dito, napilitang ilipat ang ilang pasyente sa ibang pagamutan dahil hindi umano gumagana ang mga generator ng naturang ospital.

Ayon kay Arnel Angeles ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, nabalik ang suplay ng kuryente sa nasabing ospital pasado alas-10 ng gabi.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng power interruption sa PGH. (VA)

The post PGH ‘naputulan’ ng kuryente, kinalat pasyente sa ibang ospital first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pgh-naputulan-ng-kuryente-kinalat-pasyente-sa-ibang-ospital/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pgh-naputulan-ng-kuryente-kinalat-pasyente-sa-ibang-ospital)