Sa Pilipinas pinakamataas pa rin ang unemployment rate o ang dami ng mga walang trabaho sa Asya, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Base sa Report on Labor Force Survey ng NEDA, sinabi nitong: “The Philippines’ unemployment rate remains among the highest compared to the latest figures from major Asian emerging economies.”

Noong Agosto, nasa 8.1% ang unemployment rate ng Pilipinas at pangalawa ang India na may 7.6% unemployment rate. Pangatlo ang Indonesia na 6.3% ang unemployment rate at pang-apat ang Malaysia na na nakapagtala ng 4.8% ng mga walang trabaho.

Sa Vietnam, 2.6% lamang ang unemployment at 3.9% naman sa China.

Sabi ng NEDA, pagbabakuna ngayon ng mga tao sa labas ng National Capital Region (NCR) ang tinututukan ng pamahalaan.

Ang pagbabakuna ay mahalagang hakbang sa pagbubukas muli ng ekonomiya para muling makapagtrabaho o makapagnegosyo ang mga mamamayan. (Eileen Mencias)

The post PH pinakamataas ang unemployment sa Asya – NEDA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-pinakamataas-ang-unemployment-sa-asya-neda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ph-pinakamataas-ang-unemployment-sa-asya-neda)