Pumasa sa risk assessment ng Department of Education (DepEd) ang 59 public school kaya naman sisipa na sa Nobyembre 15 ang pilot implementation ng face-to-face classes sa mga naturang paaralan.

Sa pagdinig ng Senado ngayong Miyerkoles, kinumpirma ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang face-to-face classes ay magtatagal hanggang katapusan ng Enero 2022.

Magkakaroon pa raw ng lingguhang assessment ng iba pang eskwelahan hanggang sa maabot ang target na 120 na bilang ng mga paaralang pagdadausan ng face-to-face classes.

“We start on November 15, the face-to-face classes and tinaon po natin doon sa pilot schools, tinaon po ‘yan natin sa umpisa ng academic quarter two ng ating school calendar,” pahayag ni Malaluan.

Matapos ang pilot implementation, susuriin ng ahensya ang resulta nito at ipepresenta kay Pangulong Rodrigo Duterte ang plano para sa susunod na face-to-face classes. (mjd)

The post Pilot run ng face-to-face classes larga sa Nobyembre first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pilot-run-ng-face-to-face-classes-larga-sa-nobyembre/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pilot-run-ng-face-to-face-classes-larga-sa-nobyembre)