Mahigit isang milyong dose ng Pfizer vaccine na binili ng gobyerno ang dumating sa Pilipinas kagabi, Oktubre 22.
Sa 1,016,730 bakuna, 813,150 dose ang mapupunta sa Metro Manila; 101,790 dose sa Cebu at 101,790 dose sa Davao.
Kabuuang 25.4 milyong Pfizer COVID vaccine na ang dumating sa bansa buhat sa unang batch noong Mayo.
Nagpapasalamat naman si vaccine czar Carlito Galvez na halos araw-araw ay tumatanggap ng bakuna ang Pilipinas, na karamihan ay nagmula sa Amerika.
Ayon sa National COVID-19 Vaccination Dashboard ng Department of Health, 25,441,538 na ang fully vaccinated sa Pilipinas.
29,726,917 naman ang naturukan na ng unang dose.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-binaha-ng-pfizer/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-binaha-ng-pfizer)
0 Mga Komento