Itinalaga ng FIBA ang Pilipinas bilang host ng unang dalawang window ng Group A ng 2023 World Cup Qualifiers sa halip na home-and-away format.

Ito ay bunsod pa rin ng umiiral na travel restrictions dulot ng pandemya.

Kaya naman, ang dalawang laban ng Gilas Pilipinas kontra South Korea ay dito sa bansa gaganapin, gayundin ang mga laro ng New Zealand at India.

Sa Pebrero 2022 nakatakdang ganapin ang bubble format ng qualifiers.

“The Fiba Regional Office Asia has been closely monitoring the pandemic situation in the region and they saw it fit to employ their right to hold the games in a bubble. The Samahang Basketbol ng Pilipinas, because of the experience we gained in hosting the final window of the FIBA Asia Cup Qualifiers, volunteered to host the games in Group A,” pahayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio.

“We’re excited to welcome Korea back into the country and host New Zealand and India as well.”

Wala pa namang inanunsyo ang SBP na venue para sa naturang bakbakan sa Group A. (MJD)

The post Pinas host ng World Cup Qualifiers Group A first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-host-ng-world-cup-qualifiers-group-a/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinas-host-ng-world-cup-qualifiers-group-a)