Mahigit 19,000 indibidwal ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa quarantine protocols simula nang ikasa ang Alert Level 3 noong Linggo sa Metro Manila.

Ayon sa ulat ng GMA News, 11,125 violators ang naiatala ng PNP kahapon.

Sa kabuuang bilang, 57% ang nakatanggap ng warning, 36% ang pinagpiyansa, at 8% ang pinatawan ng sanction.

Batay sa report, pinakamarami ang lumabag sa ipinatutupad na COVID minimum health standards.

Nito lamang Sabado nang magsimulang ikasa ang Alert Level 3 sa Metro Manila na siyang
magtatapos sa Oktubre 31. (VA)

The post PNP: 19K pasaway na quarantine violators nalambat sa NCR first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-19k-pasaway-na-quarantine-violators-nalambat-sa-ncr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-19k-pasaway-na-quarantine-violators-nalambat-sa-ncr)