Base sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP) na inilabas ngayong Lunes, 239 lugar ngayon sa Metro Manila ang nasa ilalim ng granular lockdown.

Ayon sa PNP, ang mga lugar ay nakapaloob sa 152 barangay.

Ang mga lugar na nasa granular lockdown ay 153 bahay, 36 kalye, 32 gusali, apat na palapag ng gusali at apat na subdivision.

Nakaantabay naman sa mga naturang lugar ang 751 kawani ng PNP at 870 na force multipliers.

Ang alert level system, na siyang dahilan ng granular lockdown, ay paiiralin sa NCR hanggang Oktubre 15. (mjd)

The post PNP: 239 lugar sa NCR kandado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-239-lugar-sa-ncr-kandado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-239-lugar-sa-ncr-kandado)