Pinuna ni Senador Panfilo “Ping” Lacson” ang umano’y polisiya ng Rappler sa paglathala ng kanilang sagot sa mali at negatibong artikulo laban sa kanya.

“I do not know their policy but we’ve written Rappler at least twice to refute and explain some false and negative stories about me. They were never printed. And I thought Rappler’s unflinching advocacy is freedom of expression,” sabi ni Lacson sa kanyang Twitter.
Sa pinglacson.net, makikita doon na sumulat ang tanggapan ni Lacson sa Rappler ng kanilang sagot sa artikulo ni Walden Bello noong Agosto 15 at Vergel Santos noon namang Oktubre 8.

Sa kanyang sagot na may petsang Agosto 16, sinagot ng tanggapan ni Lacson ang artikulo ni Bello na nagsasaad na inakusahan ni Sen. Leila de Lima ang senador na isa samga “enabler” at “conspirator” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Nothing could be further from the truth,” sabi ng tanggapan ni Lacson.

Noong Oktubre 10, nagpadala din ng liham ang tanggapan ni Lacson sa Rappler at sinagot ang artikulo ni Santos hinggil pag-sponsor ng huli sa Anti-Terrorism Act of 2020.

“If Santos bothered to read the contents of the law instead of forcing a square peg into a round hole, he would have realized that the measure has a detailed definition of terrorism – and the proper safeguards against abuse, to boot,” sabi ng tanggapan ni Lacson.

Paliwanag pa ng opisina ng senador, si Lacson bilang chairman of the Senate Defense Committee, ay umakto bilang sponsor ng Anti-Terrorism Act at isa sa mga author ng panukala, dahil nangangailangan nang baguhin ang Human Security Act of 2007 para mabigyan ang awtoridad ng mas kasangkapan para labanan terorismo sa bansa.

Kinontra din nila ang paratang ni Santos na “enabler” si Lacson dahil pinupuna naman umano ng senador ang mga maling gawian at pag-abuso sa ilalim ng Duterte administration sapul pa noong 2016, na pangunahan niya ang pagdinig sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Pinangunahan din ni Lacson ang imbestigasyon sa pagpatay kay Kian delos Santos, kung saan nahatulan ng life imprisonment ang mga pulis na pumatay dito.

“Meanwhile, it is ironic that Santos, a supposed advocate of press freedom, would pervert such a freedom by linking Sen. Lacson to abuses during Martial Law, without showing proof to back his insinuations. We thus wonder if Santos’ idea of press freedom includes freedom from responsible journalism,” sabi ng tanggapan ni Lacson. (Dindo Matining)

The post Polisiya ng Rappler kinuwestiyon ni Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/polisiya-ng-rappler-kinuwestiyon-ni-lacson/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=polisiya-ng-rappler-kinuwestiyon-ni-lacson)