Nanawagan ang Akbayan Partylist sa pamahalaan na aksyunan ang patuloy na pag-taas sa presyo ng produktong petrolyo, na ngayo’y walong sunod-sunod na linggo nang tumataas.
Sa kanilang press release, sinabi ni Akbayan First Nominee Perci Cendaña na dagdag-pasakit sa mga motorista ang patuloy na pagtaas sa presyo ng langis at kailangan na itong remedyuhan sa pamamagitan ng subsidiya gaya ng muling pagpapatupad ng Pantawid Pasada Program.
“Kailangan nating tapakan ang preno at pigilan ang pag-arangkada ng presyo ng gasolina. Kailangan ng mamamayan ng ayuda at proteksyon sa pamamagitan ng fuel subsidy,” pahayag ni Cendaña.
“In the middle of a pandemic, this will make life even harder and push more people towards desperation. The government should step in and immediately reactivate and expand the Pantawid Pasada program to alleviate the burden,” dugtong pa nito.
Ang Pantawid Pasada ay ipinatupad noong 2011 bilang pantulong sa mga motoristang apektado ng taas-presyo ng gasolina.
Batay sa datos, sa huling dalawang buwan ay P8.65 kada litro ang itinaas sa presyo ng diesel habang P7.20 naman sa bawat litro ng gasolina. (mjd)
The post Preno sa oil price hike sigaw ng Akbayan first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/preno-sa-oil-price-hike-sigaw-ng-akbayan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=preno-sa-oil-price-hike-sigaw-ng-akbayan)
0 Mga Komento