Muling sasalubong sa mga motorista bukas, Martes, ang panibagong taas-presyo sa produktong petrolyo.
Unang nag-anunsyo ng taas-presyo ang mga kompanyang Chevron Philippines Inc. (Caltex), Pilipinas Shell Petroleum Corp., Seaoil Philippines Inc., Cleanfuel at Petro Gazz.
Ang naturang mga kompanya ay magdadagdag ng P1.15 sa bawat litro ng gasolina, P0.45 sa kada litro ng diesel, at P0.55 sa kada litro ng kerosene.
Wala pa namang inaanunsyo ang iba pang kompanya ng langis.
Ang mga nabanggit na kompanya, maliban sa Caltex, ay ipapataw ang taas-presyo dakong alas-6:00 a.m. ng umaga sa Martes. Ang Caltex ay alas-12:01 a.m. ng madaling araw magbabago ng presyo.
Ito na ang ika-siyam na sunod na linggo ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo. (mjd)
The post Presyo ng langis sisirit ulit first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/presyo-ng-langis-sisirit-ulit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=presyo-ng-langis-sisirit-ulit)
0 Mga Komento